Monday, February 6, 2017

Primer on the Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER)

Share
CASER: Repormang Sosyo-Ekonomiko Tungo sa Kapayapaan
page1image1136
Praymer sa panukalang Kasunduan sa Repormang Panlipunan at Pang-Ekonomiya (Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms o CASER) sa pagitan ng Gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP)
Sa pag-upo sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte, muling bumukas ang usapang pangkapayapaan sa pagi- tan ng Gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at ng rebolusyonaryong kilusang pambansa demokratiko na kinakatawan ng National Democratic Front of the Phil- ippines (NDFP) sa negosasyon. Layunin ng usapan na makamit ang makatarungan at matagalang kapayapaan sa pamamagitan ng pagresolba sa mga ugat ng armadong labanan.
May apat na sustantibong adyenda ang usapang pang- kapayapaan:
1.) pagrespeto sa karapatang pantao at international humanitarian law;
2.) repormang panlipunan at pang-ekonomiya;
3.) repormang pampulitika at konstitusyunal; at
4.) pagtigil ng labanan at disposisyon ng mga pwersa.

Ang bawat adyenda ay may kaakibat na mga kasunduan. Noong 1999, pinirmahan ang unang kasunduan, ang Comprehensive Agreement on the Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRI- HL).
Sa praymer na ito, pagtutuunan natin ng pansin ang pa- nukalang kasunduan patungkol sa ikalawang sustantibo- ng adyenda: ang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER).

1. Ano ang CASER?
Ito ang binubuong kasunduan sa pagitan ng GRP at ng NDFP kaugnay ng mga repormang panlipunan at pang-ekonomiya. Itinuturing itong pinaka-ubod ng usapang pangkapayapaan dahil lalamanin nito ang mga
CASER: Repormang Sosyo-Ekonomiko Tungo sa Kapayapaan - Isang Praymer 2
kongkretong hakbang upang lutasin ang mga suliranin ng kahirapan, pagka-atrasado at kawalan ng hustisyang pan- lipunan na nasa kaibuturan ng armadong labanan.
Bago natapos ang ikalawang round ng peace talks noong Oktubre 2016, nakapagbuo ng pinagkaisahang ba- langkas ng CASER ang magkabilang panig. Nilaman nito ang saklaw at balangkas ng CASER na bubuuin sa ikatlong round ng peace talks.
Ang bawat panig ay may kani-kaniyang panukala na sisikapin nilang pagkaisahin sa isang kasunduan. Kapag napirmahan na ang pinagkaisang kasunduan, ang CASER ay ipapatupad ng bawat panig sa kani-kaniyang saklaw ng kapangyarihan at awtoridad.

2. Ano ang saklaw ng CASER?
Ang mga patakarang sosyo-ekonomiko ang siyang nag- tatakda kung paano gagamitin ang kayamanan ng isang bansa para sa pag-angat at kapakinabangan ng lahat, kung hindi man ng mas nakararami. Kabilang rito ay ang mga usapin tulad ng pagmamay-ari ng lupa, halaga ng sahod, laki ng tubo, presyo ng mga bilihin, sistema ng pagbubu- wis, mga regulasyon sa pamumuhunan, kalakalan, pau- tang, at pagpapaunlad ng iba’t-ibang sektor ng ekonomiya (agrikultura, industriya, serbisyo). Kasama rin dito ang mga patakaran kaugnay ng mga batayang karapatan sa kalusugan, pabahay, edukasyon, tubig, kuryente, trans- portasyon, komunikasyon, kultura, at iba pa. Samakatu- wid, ito’y mga patakarang may direktang kinalaman sa sikmura at pang-araw araw na kagalingan ng karaniwang mamamayan.
3 Bagong Alyansang Makabayan - Enero 2017
Sa matagal na panahon, ang mga patakarang so- syo-ekonomiko na ipinapatupad ng GRP ay pabor lamang sa mga malalaking at monopolyo kapital- istang dayuhan at iilang mayayaman at makapangyarihang
pamilya (oligarkya), bagay na nagdudulot ng matindi at malawakang kahirapan, pagsasamantala at pang-aapi, laluna sa masang anakpawis. Sa pamamagitan ng CASER, maitutulak ang pagbabago sa anti-mamamayang siste- mang ito.

3. Paano isasalarawan ang kasalukuyang patakarang sosyo-ekonomiko ng gobyerno?
Sa nakaraang tatlo at kalahating dekada, ang “neo- liberal” na doktrinang ekonomiko ang namayani sa ka- buuan ng mga patakarang sosyo-ekonomiko ng GRP. Sa ilalim ng neoliberalismo, binibigyan ng buong la- yaw ang pribadong kapital, laluna ang mga dayuhang monopolyo kapitalista, na dambungin ang ekonomi- ya ng bansa habang tinatanggal ang anumang ka- kayanan ng gobyerno at mamamayan na sagkaan ito.
Tampok sa mga patakarang neoliberal ay ang pagbukas ng ating ekonomiya sa walang habas na paglabas-masok ng mga dayuhang produkto at kapital (liberalisasyon), pagliit ng badyet sa serbisyong panlipunan at pagsa- sapribado ng mga pampublikong pag-aari at serbisyo (pribatisasyon), pag-alis ng mga regulasyon sa operasyon
page4image11384
CASER: Repormang Sosyo-Ekonomiko Tungo sa Kapayapaan - Isang Praymer 4
ng mga pribadong negosyo at pagkamal nila ng tubo (de- regulasyon), tuluyang paglusaw ng lokal na produksyon at ekonomiya at dominasyon ng dayuhang kapital (de- nasyunalisasyon) at pagpasan ng bigat ng pagbubuwis sa malawak na mamamayan (regressive taxation).
Sa tabing ng salitang “globalisasyon,” ang mga pataka- rang ito ay dinikta ng mga dayuhang imperyalista, sa pa- ngunguna ng Estados Unidos at mga ahensyang pandaigi- digan na dominado nito tulad ng International Monetary Fund (IMF), World Bank (WB) at World Trade Organi- zation (WTO), upang panatilihing ang Pilipinas bilang pinagkukunan ng murang hilaw na materyales, balon ng murang lakas paggawa, at merkado ng sobrang produkto at kapital ng malaki at mauunlad na kapitalistang bansa. Kasabwat nila ang mga lokal na malalaking negosyante, malaking panginoong maylupa at mga burukrata kapital- ista (korap na matataas na opisyal ng gobyerno) sa siste- matikong pandarambong sa ating ekonomya, likas yaman at lakas paggawa.
Habang kumakamal ng limpak-limpak na tubo ang mga dayuhan at naghaharing uri, sadlak naman sa kahirapan at pinagkakaitan ng demokratikong karapatan ang mam- amayan -- ang mga manggagawa’t malamanggagawa, magsasaka, mangingisda, katutubong komunidad, pam- bansang minorya, karaniwang empleyado’t propesyunal at maliliit na negosyante. Kulang na kulang ang trabaho at kabuhayan, napakataas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, korap at hindi maasahan ang gobyerno. Dahil dito, milyun-milyon sa ating mga kababayan ang napupw- ersang mangibang bayan para lamang maitaguyod ang kanilang mga pamilya.
5 Bagong Alyansang Makabayan - Enero 2017
Kung hindi mababago ang ganitong patakaran at kala- karang sosyo-ekonomiko, hindi uunlad ang bansa, ma- nanatiling walang pagkakapantay-pantay at hindi maka- kamit ang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan. Magpapatuloy ang mga sigalot at armadong tunggalian sa lipunan, pangunahin ang armadong rebolusyon na pinamumunuan ng Communist Party of the Philippines (CPP)-New People’s Army (NPA) at kinakatawan ng NDFP.

4. Paanong mababago ng CASER ang mga mapaminsalang patakaran at kalakarang ito?
Magiging makabuluhan lamang ang CASER kung ito’y magdudulot ng pagbabago sa kasalukuyang neoliberal na patakaran at mga programa ng gobyerno. Sa usaping ito, akma ang panukalang CASER ng NDFP dahil layunin ni- tong talikuran ang mga patakarang neoliberal ng GRP at ipatupad ang mga proyekto at programang mag-aangat sa kalagayan ng batayang masa at mas malawak na mama- mayan.

5. Ano ang nilalaman ng CASER patungkol sa pamban- sang ekonomiya?
May tatlong mayor na programa ang CASER sa pagpa- paunlad ng pambansang ekonomiya:

A. Repormang agraryo at pag-unlad ng kanayunan
Susi sa pag-unlad ng pambansang ekonomiya ang pag- wakas ng monopolyo sa lupa ng malalaking panginoong maylupa, pag-angat ng kabuhayan ng maliliit na magsa- saka at mangingisda, at pagpapaunlad ng agrikultura at pangisdaan.
CASER: Repormang Sosyo-Ekonomiko Tungo sa Kapayapaan - Isang Praymer 6
Sa panukalang CASER ng NDFP, ipa- pamahagi ng libre ang lupang agrikultural sa mga magsasakang walang lupa na nais magbungkal nito. Ku- kumpiskahin ang mga lupang kinamkam ng mga dayuhang korpo- rasyon at mga despo-
tikong panginoong maylupa. Ang malalaking plantasyon at corporate farms ay ililipat sa pag-aari ng mga kooperatiba o asosayson ng mga magsasaka at manggagawang bukid.
Bibigyan ng karampatang kompensasyon ang mga may- ari ng lupang ipapamahagi at papayagang magsaka ng hanggang limang ektarya sa kanilang dating pag-aari. Mas mataas ang bayad sa lupa ng mga propesyunal, OFW at retiradong empleyado na nakapagpundar ng hindi hi- higit sa 15 ektarya sa loob ng 10 taon.
Ang mga magsasakang makakatanggap ng lupa ay bibig- yan ng pamahalaan ng libreng irigasyon at mga impra- struktura at pasilidad sa produksyon at pagmemerkado, subsidyo sa binhi at kagamitan, crop insurance, murang pautang at suportang teknikal sa tulong ng kanilang mga kooperatiba at asosasyon. Titiyakin ang nakabubuhay na sahod, sapat na benepisyo at karapatang pag-uunyon ng mga manggagawang bukid. Kikilalanin ang karapatan ng maliliit na magsasaka na makinabang sa coco levy fund, sugar amelioration fund at tobacco excise tax.
Ipagbabawal ang land use conversion, usura, pagtatayo ng kampong militar sa mga lupang saklaw ng repormang
page7image12584
7 Bagong Alyansang Makabayan - Enero 2017
agraryo at malakihang importasyon ng mga produktong agrikultural na makakapinsala sa kabuhayan ng magsasaka.
Saklaw ng repormang agraryo ang mga lupa at tubig pang-pangisdaan. Ang mga palaisdaan, sh pen at sh cage higit sa tatlong ektarya ay ibabalik sa pagiging ku- mon na pangisdaan o kaya’y ipapamahagi sa mga kooper- atiba o asosasyon ng mga maliliit na mangingisda. Ipag- babawal ang malalaking commercial opereytor (barkong 10 tonelada pataas) sa loob ng 15 kilometrong municipal shing grounds.
Payayabungin ang mga industriyang pang-kanayunan, kabilang ang industriya ng niyog, asukal, karne, gatas, to- bacco, abaca, isda, pagpoproseso ng pagkain, asin, sea- weed at iba pa.

B. Pambansang industriyalisasyon at pag-unlad ng ekonomiya
Katuwang ng re- pormang agraryo ang pagtataguyod ng mga industri- yang Pilipino para sa paglikha ng mga kagamitan sa pro- duksyon at produk- tong pang-araw- araw gamit ng ating mamamayan. Sa
pag-unlad ng sektor ng industriya at pagmamanupaktu- ra, dadami ang bilang ng de-kalidad na trabaho, tataas ang sahod ng mga manggagawa, uunlad ang siyensiya at teknolohiya, at aangat ang antas ng pamumuhay ng sam- bayanan.
CASER: Repormang Sosyo-Ekonomiko Tungo sa Kapayapaan - Isang Praymer 8
page8image12184
Sa panukalang CASER ng NDFP, titiyakin ang pag-aari at kontrol ng mamamayang Pilipino sa ekonomiya upang matiyak na ito’y nagsisilbi sa pambansang interes at pan- gangailangan. Lilimitahan sa 40% ang pagmamay-ari ng dayuhan sa anumang negosyo.
Pangunahing salik sa pag-unlad ng ekonomiya ang pagtataguyod ng mabibigat na industriya at mataas na teknolohiya. Kaugnay nito, isasabansa at ilalagay sa pag-aari o kontrol ng pamahalaan ang mga estratehikong industriya ng kuryente, tubig, pagmimina, langis, trans- portasyon at telekomunikasyon. Titiyakin na ang mga ito’y nagbibigay ng sapat, mura at de-kalidad na serbisyo at produkto sa malawak na bilang ng mamamayan at naglu- luwal ng pag-unlad sa marami pang sektor ng ekonomiya.
Titiyakin din na ang mga susing industriya ay nasa pag-aari at kontrol ng mga Pilipino, kabilang ang mga in- dustriya ng bakal, kemikal, makina, electronics, gamot, tela at damit, pagkain at inumin, sasakyan, gamit at ma- kinang pansakahan, at mga batayang produktong pang- konsyumer. Bubuwagin ang mga kartel at kukumpiskahin ang mga malalaking kumpanyang pag-aari ng mga dayu- han at malalaking Pilipinong komprador upang pagsilbi- hin sa programa ng pambansang industriyalisasyon. Sa halip na maging instrumento ng pandarambong, ang mga ito’y patatakbuhin batay sa pangangailangan ng mama- mayan at lokal na ekonomiya.
Mahalaga rin ang matibay na ugnayan at tulungan ng malalaking industriya sa maliliit at katamtamang laking negosyo. Bibigyan ng pagkakataon ang mga may-ari ng micro, small at medium enterprises (MSMEs) na umun- lad sa pamamagitan hindi lamang ng pagbaba ng gastos sa produksyon (kuryente, langis, tubig, telekomunikasyon
9 Bagong Alyansang Makabayan - Enero 2017
at imprastraktura) kundi, kumprehensibong suporta sa pautang, teknolohiya, distribusyon at pagmemerkado ng kanilang mga produkto. Huwag nang sabihin pa, tatang- galan ng mga pabigat mula sa gubyerno ang mga MSMEs tulad ng korapsyon, burukratikong red tape at walang katuturang regulasyon at mga pabigat na buwis.

K. Proteksyon sa kalikasan at rehabilitasyon at kompensasyon sa mga napinsala
Hindi uunlad ang ekonomiya kung hin- di babaliktarin ang deka-dekadang pan- darambong sa likas na yaman ng bansa at ang dulot nitong pagkawa- sak sa kalikasan at ko- munidad. Kailangang makabawi ang mga na- sirang kalupaan, kagu-
batan, hangin, karagatan at mga tubig dulot ng nakasi- sirang paraan ng produksyon, polusyon, kapabayaan at natural na kalamidad. Mahalagang protektahan ang mga natitira pa.
Sa panukalang CASER ng NDFP, ipahihinto ang naka- sisirang gawain tulad ng malawakang paghahawan ng gubat, open-pit mining, reklamasyon at plantasyon. Ipag- babawal ang pagtotrosong pang-eksport, pagtatambak ng basura mula sa ibang bansa, at mga peligrosong produk- to at gawain sa agrikultura. Kasama sa ipagbabawal ang mga aksyong militar ng gobyerno at dayuhang tropa na nakakapinsala sa komunidad at kalikasan, pati ang pag- pasok ng mga armas nukleyar, biological at kemikal.
page10image12024
CASER: Repormang Sosyo-Ekonomiko Tungo sa Kapayapaan - Isang Praymer 10
May diin ang CASER sa paglilimita ng pagmimina. Titiya- king nakatuon ito sa pangangailangan ng pambansang in- dustriyalisasyon at gumagamit ng paraang hindi nagdud- ulot ng malawakang pagkasira sa kalikasan. Ipagbabawal ang pagmimina sa mga isla, dalampasigan, pangunahing gubat at watershed area, at lupang pang-agrikultura.
Titiyakin ang rehabilitasyon at kompensasyon sa mga komunidad at indibidwal na biktima ng mga kalamidad at aksidenteng pangkalikasan.
6. Ano ang nilalaman ng CASER patungkol sa karapa- tan pang-ekonomiya, panlipunan at pang-kultura ng mamamayan?
May tatlong mayor na bahagi ang CASER sa usapin ng paggalang sa mga karapatang ito:
A. Paggalang sa karapatang ng mga anakpawis at inaaping sektor
Sa panukalang CASER ng NDFP, ki- nikilala at pinanga -ngalagaan ang mga pang-ekonomyang karapatan ng mga magsasaka, mang- gagawang bukid, mangingisda, mang- gagawa (lokal at OFW), mala-mang-
gagawa, empleyado, propesyunal at kanilang mga pamilya. Pangunahin dito ang seguridad sa trabaho at kabuhayan, nakabubuhay na sahod, pagsali sa mga organisasyon at unyon, sapat at de-kalidad na serbisyong pampubliko,
11 Bagong Alyansang Makabayan - Enero 2017
page11image11512
maagang pagtugon ng gobyerno sa kanilang mga hinaing, at kalayaan sa matataas na buwis at bayarin ng gobyerno.
Ginagarantiyahan rin ang karapatan ng ilang ispesyal na sektor:
Kababaihan - pantay na pagtrato sa lahat ng aspeto ng trabaho at kabuhayan, sa pagpapagaan ng gawaing ba- hay at pampamilya, sa reproductive health at sex education, sa anim na buwang maternity leave with pay pati paternity leave, proteksyon sa diskriminasyon at karahasan, same sex marriage, diborsyo at iba pa.
Mga bata - karapatan sa tamang pag-aruga pangunahin sa pagtiyak na ang kanilang mga magulang ay may sa- pat na trabaho at kabuhayan. Tinitiyak ang karapatan sa pagkain at kalusugan, ayuda laluna sa mga batang lansangan, at pagwakas ng mapagsamantalang pagpa- patrabaho sa bata at karahasang pisikal at sekswal.
Nakatatanda - suportang pinansyal at serbisyo upang sila’y manatiling aktibo at produktibong bahagi ng li- punan, kasama ang sistema ng pensyon para sa lahat ng nakatatanda at mga pasilidad at serbisyo sa komunidad na pang-nakatatanda.
May kapansanan - karampatang serbisyo at pagsasanay ng mga may kapansanan upang sila’y maging produkti- bo at nagagamit ng husto ang kanilang mga kakayahan; pantay na oportunidad sa pagtrabaho.
Kinikilala ng panukalang CASER ng NDFP ang sumusu- nod bilang karapatan ng masang anakpawis at mama- mayan:
CASER: Repormang Sosyo-Ekonomiko Tungo sa Kapayapaan - Isang Praymer 12
13
Bagong Alyansang Makabayan - Enero 2017
Serbisyong panlipunan - kasama ang pagbaliktad ng pa- takaran ng pambabarat ng pampublikong pondo at sa pagsasapribado ng mga serbisyong panlipunan at pag- tiiyak na ito’y naigagawad sa mga pambansang mino- rya.
Edukasyon - kasama ang libreng edukasyon hanggang kolehiyo at technical-vocational sa pangunguna ng mga pampublikong paaralan, at pagtaguyod sa isang maka- bayan, siyentipiko, makamasa at demokratikong siste- ma ng edukasyon. Ititigil ang programang K-12, titiya- kin ang nakabubuhay na sahod at libreng pagsasanay sa mga guro at non-teaching personnel, at ang pagre- speto sa mga demokratikong karapatan at kagalingan ng mag-aaral. Titiyakin ang karapatan sa edukasyon ng mga pambansang minorya na may pagpapahalaga sa kanilang sariling kultura at tradisyon.
Kalusugan - pagtaguyod ng pangakalahatang sistema ng libre at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa lahat at paghinto sa patakaran ng pagsasapri- bado ng mga pampublikong ospital at serbisyo. Bibig- yan ng prayoridad ang preventive medicine, nutrisyon at pagpaplano ng pamilya. Titiyakin ang pagkakaroon ng mga doktor at manggagawang pangkalusugan lalu- na sa kanayunan at itataas ang kanilang mga sahod at benepisyo. Tatratuhin bilang isyung pangkalusugan ang usapin ng bawal na droga at gagawan ng angkop at epektibong programa ng rehabilitasyon ng mga biktima nito.
Pabahay - itatag ang isang kumprehensibo at pamban- sang programa sa pabahay para sa masa, lalu na sa maralitang lungsod, manggagawa’t mala-manggagawa. Ang mga maralitang komunidad ay hindi basta-bastang idedemolis kung walang karampatang programa sa
on-site o in- city relocation at sapat na tu- long sa pagli- lipat, pabahay, kabuhayan at mga serbisyo.
Tubig - titiya-
kin ang kara-
patan sa sapat
at ligtas na tubig at serbisyong sanitasyon kasama ang pagbabaliktad ng patakaran sa pagsasapribado ng ser- bisyo sa tubig.

Kuryente - titiyakin ang sapat at murang kuryente sa pamamagitan ng pagbaliktad sa patakarang sa pagsa- sapribado at deregulasyon ng industriya ng kuryente sa ilalim ng ibabasurang Electric Power Industry Re- form Act (EPIRA). Ibabalik ang papel ng National Pow- er Corporation bilang pangunahing tagapamahala ng industriya mula paglikha hanggang distribusyon ng kuryente. Itutulak ang paggamit ng mga renewable energy sources sa iba’t-ibang komunidad at kooperatiba ng kuryente.
Pangmaramihang transportasyon - isusulong ang kum- prehensibong programa sa pangmaramihang transpor- tasyon sa buong bansa, kabilang ang pag-aayos ng siste- ma ng trapik at regulasyon sa pamasahe. Babaliktarin ang patakarang pagsasapribado ng LRT at MRT, mga tollway, pier, paliparan at iba pang imprastruktura.
Komunikasyon - tatratuhin ang komunikasyon bilang serbisyo publiko at titiyakin ang daan sa mura at maaa- sahang serbisyong komunikasyon at impormasyon,
page14image11584
CASER: Repormang Sosyo-Ekonomiko Tungo sa Kapayapaan - Isang Praymer 14
kasama ang libreng internet at daluyan ng tradisyunal na midya at social media.
Pamamahala sa basura - ang maayos na pangongolek- ta, paghihiwalay, pag-recycle at pagtapon ng basura ay ipapasailalim sa pag-aari at kontrol ng gobyerno. Hi- himukin at tutulungan ang mga komunidad na mag- tatag ng pasilidad sa recycling, composting at iba pa.
Paghahanda at pagresponde sa sakuna - titiyakin ang maaga at sapat na paghanda at mabilis na pagresponde sa mga sakuna at kalamidad, at kumprehensibong reha- bilitasyon ng mga nasalantang komunidad. Bahagi rito ang paglalatag ng isang civil defense system na binubuo ng iba’t-ibang samahang sibilyan sa komunidad.
B. Pagpapalaganap ng makabayan, progresibo at makamasang kultura
Sa panukalang CASER ng NDFP, binibigyang pansin ang mga problemang ng atrasado, kolonyal, elitista at makasariling kaisipan at kulturang iniluwal ng panli- punang krisis at pinalala ng neoliberalismo. Kaugnay nito, isusulong ang isang kumprehensibong programa na mag- tataguyod ng isang mapagpalaya, makabayan, siyentipiko at makamasang kultura. Bahagi nito ang mga reporma sa sistema ng edukasyon, midya at komunikasyon, agham at teknolohiya, sining at literatura, relihiyon, mga pagpapa- halaga, lengguahe at simbolo, palakasan at libangan.
Ilan sa mga partikular na panukala ng NDFP sa lara- ngang ito ang sumusunod:
Edukasyong makabayan, siyentipiko at makamasa - Babaguhin ang kurikulum, mga libro, materyales at pagsasanay sa paaralan upang ituro ang tamang kasay-
15 Bagong Alyansang Makabayan - Enero 2017
sayan mula sa punto
de bista ng pakikiba-
ka ng mamamayang
Pilipino. Bibigyang
diin ang pagmama-
hal sa bayan, pag-
papahalaga sa ating
mayamang kultu-
ra at mga tradi-
syon tungo sa higit
pang pagpapaunlad
nito. Sa mga baranggay, bibigyang prayoridad ang maagang edukasyon na maglilinang ng pantay na pagtrato sa mga kasarian, pagpapahalaga sa komu- nidad at sa kalikasan. Ipapatupad ang mga programa sa pagbabasa at pagsusulat sa bawat baranggay.

Progresibo at maka-mamamayang midya - Ang industiya ng musika, pelikula, broadcasting, paglilimbag at soft- ware ay titiyaking nagbibigay ng maaasahang impor- masyon at pagsusuri at humimok ng kritikal na pag-ii- sip at positibong pagkilos ng mamamayan. Sa larangan ng pampublikong impormasyon, susuportahan at po- pondohan ng gobyerno ang pagtatayo ng mga “people’s media organizations” upang malayang maipapahayag nila ang mga tunay na kalagayan, interes at hangarin ng taumbayan. Titiyakin naman na ang pribadong me- dia networks ay maglalaan ng oras at lugar para sa mga programang may progresibo at makabayang paksa. Sa lahat ng ito, gagarantiyahan ang kalayaan sa pananali- ta, pamamahayag at impormasyon. Ititigil ang censor- ship, aalisin ang kriminal na aspeto ng libel, at titiyakin ang pagpasa ng isang batas sa freedom of information na sasaklaw sa tatlong sangay ng pamahalaan.
page16image12392
CASER: Repormang Sosyo-Ekonomiko Tungo sa Kapayapaan - Isang Praymer 16
Makabayan, progresibo at makamamamayang sining at literatura - Titiyakin ang sapat na pondo para sa pro- duksyon ng mga sining biswal, musika, literatura, teatro, pelikula at iba pang disiplinang pansining, na naglalaman ng mga kalagayan at hangarin ng ma- mamayan. Itatatag ang mga “Community Centers for Culture and the Arts” sa antas rehiyon, lungsod at ba- ranggay upang mapaunlad ang gawaing pangkultura sa malawak na hanay ng mamamayan. Pauunlarin ang paggamit ng Filipino bilang pambansang wika habang sinusuportahan ang paggamit ng iba pang wikang Pili- pino sa mass midya, edukasyon at literatura. Titiyakin ang suporta sa paglilimbag ng literatura at iba pang sulatin sa mga wikang ito. Ipagbabawal ang pagsira at pagkamkam ng mga lugar at bagay na makabuluhan sa ating kultura.
Karapatan at kagalingan ng mga guro, manggagawa sa midya, sining at kultura - Igagalang ang karapatan sa usapin ng seguridad sa trabaho, nakabubuhay na sahod at pagbubuo ng organisasyon ng mga manggagawa sa larangan ng edukasyon, sining at kultura, gayundin ng kanilang mga karapatang sibil at pampulitika. Titiya- king maitayo ang mga pambansang unyon na magtatak- da ng mga pamantayan para sa kanilang kagalingan, ka- kayanan at etika upang maiwasan din ang pang-aabuso at korapsyon. Titiyakin ng gobyerno ang pagbayad ng equity fees ng mga dayuhang artista o nagtatanghal at iba pang proteksyon sa industriya.
K. Pagkilala sa lupang ninuno at teritoryo ng mga katutubo at pambansang minorya
Sa panukalang CASER ng NDFP, kinikilala na mula pana- hon ng mga Kastila hanggang sa kasalukuyan, biktima
17 Bagong Alyansang Makabayan - Enero 2017
ang mga katutubong mamamayan (indigenous peoples) at Bangsamoro ng pinakamatinding diskriminasyon, pagsa- samantala at pang-aapi. Inagaw at patuloy na inaagaw sa kanila ang kanilang lupang ninuno, winawasak ang kani- lang mga komunidad at sinasalaula ang kanilang kultura.
Upang itama ang makasaysayang pagkait sa kanila ng katarungan, gagarantiyahan at bibigyang daan ang kani- lang karapatan sa sariling pagpapasya at kalayaang isu- long ang pang-ekonomiya, pampulitika at pang-kulturang pag-unlad batay sa sarili nilang kakayanan at nang walang panlabas na panghihimasok. Kasama rito ang usapin ng teritoryo, pampulitikang awtonomiya, pamamahala
ng lupa at mga likas na yaman sa kanilang mga teritoryo at lupang ninuno, paggamit ng sa- riling wika, kus- tombre at tradi- syon, at kalayaan sa pananampala- taya.
Sa partikular, bubuwagin ang National Commission on Indigenous People (NCIP) na hindi kumakatawan sa katu- tubong mamamayan. Ibabasura o aamyendahan ang mga batas, patakaran, proyekto at kasunduan na lumalabag sa karapatan ng katutubog mamamayan at Bangsamoro. Kabilang dito ang Indigenous People’s Rights Act (IPRA), mga kaugnay na probisyon sa Konstitusyong 1987, mga makaisang panig na kasunduan kaugnay ng pagmimina, pagtotroso, pagtatayo ng dam, plantasyon at planta ng kuryente, at iba pang tinaguriang “development” projects at mga maanomalyang Certi cate of Ancestral Land Titles
CASER: Repormang Sosyo-Ekonomiko Tungo sa Kapayapaan - Isang Praymer 18
page18image13088
(CALTs), Certi cate of Ancestral Domain Titles (CADTs), at Ancestral Domain Sustainable Development Protection Plan (ADSDPP). Ipapasa ang isang bagong batas na tumi- tiyak sa kanilang karapatan sa sariling pagpapasya.
7. Ano ang nilalaman ng CASER patungkol sa soberan- ya sa eknomiya para sa pambansang pag-unlad?
Susi sa pag-unlad ng anumang ekonomiya ang angkop na mga patakaran sa panlabas na kalakalan at pamu- muhunan, at sa mga aspetong pampinansya. May dala- wang mayor na bahagi ang CASER sa mga usaping ito:
page19image5160
A. Makabayan at progresibong relasyong panlabas sa ekonomiya at kalakalan
Sa panukalang CASER ng NDFP, ang relasyong panla- bas sa ekonomiya ay babaguhin upang sumuporta sa mga layunin ng pambansang kaunlaran na inilatag sa mga naunang bahagi ng kasunduan.
19 Bagong Alyansang Makabayan - Enero 2017
Itatakwil ang mga neoliberal na patakarang liberal- isasyon, pribatisasyon, deregulasyon at denasyunal- isasyon na dikta ng mga kapitalistang bansa sa pangu- nguna ng US at ng mga international multilateral agencies tulad ng IMF, WB, WTO, Asian Development Bank at iba pa. Rerepasuhin at kung kinakailangan ay iaatras ang pag- sapi ng Pilipinas sa mga ahensyang ito kabilang na rin sa Asia Paci c Economic Cooperation (APEC). Itatakwil din ang mga makaisang panig na free trade agreement (FTA) at bilateral investment treaty (BIT) sa ibang bansa. Ititigil ang panghihimasok at panggagantso ng mga malalaking kapitalistang bansa sa pamamagitan ng kanilang O cial Development Aid (ODA). Ang lahat ng ito’y nagpapana- tili sa Pilipinas bilang malakolonyal at malapyudal na ekonomiyang bukas sa pandarambong ng mga dayuhang monopolyo kapitalista.
Ihihinto ang sobrang pagpapakandili ng ekonomiya sa US at Japan at palalawakin ang relasyong ekonomiko sa mga bansa sa Silangang Asya, sa tinaguriang BRICS coun- tries (Brazil, Russia, India, China, South Africa) at iba pang bansa sa Ikatlong Daigdig (Third World).
Titiyakin na ang pagpasok ng dayuhang puhunan at kalakal ay hindi makakapinsala sa lokal na agrikultura, industriya at serbisyo, bagkus ay makakatulong sa pagla- go nito. Bibigyan ng prayoridad ang mga negosyanteng Pilipino sa mga insentibo at suporta sa pautang, bu- wis, taripa, foreign exchange at iba pa. Kokontrolin ang paglabas-masok ng dolyar at iba pang foreign currency para hindi bulnerable sa mga malalaking ispekulador at maiwasan madiskaril ang lokal na ekonomiya. Ang oryentasyon ng mga export processing zones at enklabo ay babaguhin upang umayon sa layunin ng pambansang industriyalisasyon, tumugon sa pangangailangan ng lo- kal na merkado at maseguro ang mga karapatan ng mga
manggagawa dito.
CASER: Repormang Sosyo-Ekonomiko Tungo sa Kapayapaan - Isang Praymer 20
B. Makabayan at progresibong patakarang pam- pinansya
Ang pera ang itinuturing na dugo ng ekonomiya. Sa pa- nukalang CASER ng NDFP, ang pamamahala sa pinansi- ya, kabilang ang pampublikong pangungutang, pagtak- da ng pambansang badyet, suplay ng pera, patakaran sa pagbabangko, interes sa pautang, pagtakda ng foreign exchange rates, paglabas ng dayuhang kapital, pagtakda at pangongolekta ng buwis, at iba pang may kinalaman sa pera ay itutuon sa pangangailangan at pag-unlad ng mamamayang Pilipino.
Ang Bangko Sen- tral, mga bangko at pampinansyang insti- tusyon ay magtitiyak na may sapat na pon- do para sa mga pro- grama ng repormang agraryo, pag-unlad ng kanayunan, at pambansang indus- triyalisasyon. Ang
Land Bank of the Philippines ay pangunahing tutugon sa pangangailangan ng mga magsasaka at kanilang mga kooperatiba at samahan. Ang Development Bank of the Philippines naman ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga malalaking proyektong industriyal at Pilipinong negosyante. Ang Al-Amanah Islamic Investment Bank ay tutugon sa mga partikular na pangangailangan ng Bang- samoro at mga taga-Timog Mindanao. Samantala, muling isasabansa ang Philippine National Bank upang tumugon sa pagpapaunlad ng buong ekonomiya. Ipagbabawal ang dayuhang pamumuhunan at pag-aari sa mga bangko at - nancial institutions upang seguruhin ang gamit ng mga
21 Bagong Alyansang Makabayan - Enero 2017
page21image13008
pondo nito para sa sosyo-ekonomikong pagpapaunlad ng bansa. Palalakihin ang papel ng mga manggagawa sa pag- papatakbo ng mga bangko at pampinansyang institusyon.
Itatakda ng gobyerno ang palitan ng piso sa dolyar at iba pang pera at hihigpitan ang regulasyon sa pangungu- tang upang maging matatag ang sistemang pampinansya at maging kapakipakinabang sa lokal na eknomya, mga proyektong pangkaunlaran at lokal na negosyo. Lilimita- han ang dayuhang pangungutang at gagawa ng mga hak- bang para pigilan ang mapinsalang paglipad ng kapital mula sa bansa.
Ipapatupad ang progresibong sistema ng pagbubuwis na sumisingil nang mas malaki sa mga may kaya at mas maliit sa mahihirap. Bubuwagin ang value-added tax at lalakihan ang buwis sa mga luho at bisyo katulad ng alak, sigarilyo at sugal. Babawasan ang income tax sa mahi- hirap at maliliit na negosyo habang palalakihin ito sa mayayamang korporasyon at pamilya.
Bibigyan ng prayoridad sa kabang yaman ang edukasyon (6% ng GDP) at kalusugan (5% ng GDP), subsidyo sa pen- syon at social security (15% ng GDP), mga pampublikong kagamitan tulad ng tubig, kuryente at transportasyon, im- prastruktura at pagpapayabong sa mga produktibong sek-
tor. Babawasan ang badyet sa militar at pagbayad sa utang at ibabasura ang ba- tas sa awtomatikong pagbabayad ng utang pampubliko (Presidential Decree 1177). Bubuwagin ang sistema ng pork
page22image13128
CASER: Repormang Sosyo-Ekonomiko Tungo sa Kapayapaan - Isang Praymer 22
barrel. Mamumuhunan ang gobyerno sa mga proyektong magluluwal ng maraming trabaho.
Palalakasin ang mga batas at patakaran kontra kora- psyon at maglulunsad ng mga kampanya para linisin ang gobyerno ng mga korap at abusadong opisyal.
8. Paano ipapatupad ang CASER?
Kapag napagkasunduan, ang CASER ay ipapatupad ng GRP at NDFP sa kani-kaniyang saklaw at proseso hang- gang marating ang pinal na resolusyon ng armadong la- banan. Sa bahagi ng GRP, idadaan nito sa kanyang mga angkop na sangay at departamento ang pagpapatupad ng mga probisyon ng CASER, kabilang ang pagpasa ng mga bagong batas at patakaran at pag-amyenda ng Konstitu- syon ng Pilipinas.
Sa bahagi ng NDFP, idadaan ito sa pamamagitan ng kanyang mga organo ng kapangyarihang pampulitika, mga pangmasang organisasyon at ng NPA.
Mananatiling epektibo ang CASER kahit na magpalit ang liderato ng bawat panig at anuman ang kalalabasan ng negosasyong pangkapayapaan.
9. Ano ang magagawa ng karaniwang mamamayan para isulong ang CASER at usapang pangkapayapaan?
Nilalaman ng CASER, partikular ang panukala ng NDFP, ang mga batayang kahilingan ng masa at karaniwang mamamayang Pilipino para sa sapat na trabaho at kabu- hayan, maayos na serbisyo, hustisyang panlipunan, pam- bansang kaunlaran at kulturang progresibo. Makakamit lamang ito kung maipaparamdam sa magkabilang panig,
23 Bagong Alyansang Makabayan - Enero 2017

GRP at NDFP, ang malakas at malawak na suporta rito ng mamamayan.
Kung gayon, mahalagang magpahayag tayo ng supor- ta sa usapang pangkapayapaan, partikular sa panukalang CASER ng NDFP. Magagawa natin ito bilang indibidwal at bilang bahagi ng mga organisasyon o grupong ating kina- papalooban. Ipaalam natin sa ating mga kamag-anak at kaibigan ang tungkol sa usapang pangkapayapaan at CAS- ER. Mas mainam kung ang ating mga organisasyong kina- papalooban ay pormal na makapaglalabas din ng sarili nitong pahayag ng pagsuporta.
Lumahok tayo sa mga pagkilos at aktibidad na tumat- alakay sa mga isyung kaugnay ng usapang pangkapaya- paan. Gamitin natin ang CASER bilang dagdag na larangan ng paggigiit ng ating mga pang-sosyoekonomiyang kahil- ingan. Idiin natin na hindi matatapos ang armadong la- banan hanggat hindi nabibigyan ng tunay at kongkretong solusyon ang ugat ng kahirapan at pang-aapi sa ating bayan.
Bagong Alyansang Makabayan
Enero 2017
page24image9152

1 comment: