Sa Pambansang Araw ng mga Manggagawang Pangkalusugan
(May 7) ating gunitain at parangalan ang mga bayani at martir ng sektor
pangkalusugan at ng kilusang manggagawa. Sumasaludo din tayo sa mga manggagawang patuloy
na nakikibaka para sa kagalingan ng buong sambayanan!
Pagkatapos
gumastos ang gobyerno ng Pilipinas ng limpak-limpak na salapi sa pagbisita ni
US Pres. Obama dito sa Pilipinas at pumasok sa Enhanced Defense Cooperation
Agreement o EDCA na nagbibigay laya sa pagpasok at pagbabase ng US forces sa
Pilipinas, tahasang sinabi ni P-Noy na
walang ibibigay na dagdag sahod at iba pang benepisyo para sa mga manggagawa ng
gobyerno dahil walang budget. Kasuklam-suklam
ang ganitong pahayag na nagpapakita na walang puso si PNoy sa mga manggagawa,
kasama na ang manggagawang pangkalusugan.
Mahigit
12 milyong Pilipino o 3 sa bawat 10 ng labor
force ay walang trabaho, kasama dito
ang daan libong nars na walang mapasukan. Sa mga may trabaho naman, hindi nakakabuhay
ang sahod/sweldo at ang iba ay wala o binabawian pa ng mga benepisyo. Bukod dito, ang mga permanenteng posisyon sa
mga ospital ay ginagawang kontraktwal.
Bilang resulta, karamihan sa ating mga nars ay napipilitang pumasok bilang call
center agents, magbayad bilang hospital trainees o mag-volunteer sa mga ospital
kapalit ng certificates; ang iba naman umaasa sa pangingibang bansa upang makakaahon
sa hirap. Ngunit dahil din dito, maraming
kaso na ang dumanas ng pangmamaltrato at nawasak ang pamilya.
Ang
kawalan ng trabaho at mababang sweldo sa bansa ay sintomas ng hindi magandang
ekonomiya bunga ng maling mga patakaran.
Ibinukas na ng todo ang bansa sa Enhanced Defense Cooperation Agreement
(EDCA) - pagbubukas sa US forces
upang malayang makapasok-labas sa
Pilipinas, kaalinsabay dito ang pagbubukas sa ekonomiya sa pamamagitan ng Trans
Pacific Partnership Agreement (TPPA).
Dahil may mga probisyon sa Konstitusyon ng Pilipinas na lalabagin ng mga
kasunduang ito, pilit na itinutulak ngayon ang Charter Change.
Dapat singilin ang
rehimeng US-Aquino sa pagbibigay prayoridad
sa interes ng dayuhan at negosyo kaysa sa manggagawa at mamamayang Pilipino. Sentro ng economic program ng rehimeng Aquino
ang Public-Private
Partnership (PPP). Agresibo itong
isinusulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo sa mga kapitalista tulad ng regulatory risk insurance guarantee, tax
breaks, at garantisadong tubo, samantala lantarang pinagkakaitan ang mga
manggagawa ng makakabuhay na sahod o kita.
Ang pribatisasyon ng serbisyong
pangkalusugan sa pamamagitan ng PPP at corporatization, ay
nangangahulugang pabubukas sa mga dayuhan at lokal na kapitalista ng serbisyong
pangkalusugan at mga pampublikong ospital para gawing negosyo at magkamal ng “super
tubo”. Target dito ang 72 na ospital ng gobyerno tulad ng Philippine Orthopedic
Center (POC).
Magbubunsod
ito ng matinding pagtaas ng gastusin sa pagpapagamot ng mga pasyente at kawalan
ng seguridad sa trabaho para sa manggagawang pangkalusugan.
Ang dagdag pamasahe sa MRT/LRT na gustong
ipatupad ng gobyernong Aquino ay
para ipapasan sa mga manggagawa at
ordinaryong mamamayan ang mga ipinangakong “super tubo” ng pamahalaan sa mga
kontratista at investor sa MRT at LRT.
Ang pagtaas ng pasahe sa MRT at LRT ay
pagbitiw ng pamahalaan sa responsibilidad nitong magbigay ng abot-kayang
transportasyon sa mga Pilipino.
Kasuklam-suklam ang
pribatisasyon sapagkat pinagkakakitaan ng gobyerno ang dapat sana ay abot-kaya
o libreng serbisyong napapakinabangan ng mamamayan. Nangyari na ito sa
pagsapribado ng NAPOCOR, MWSS, at iba pang institusyong pag-aari ng gobyerno.
Magkaisa! Singilin
ang pamahalaang Aquino sa pag-abandona ng kanyang responsibilidad sa mga
manggagawang pangkalusugan at buong
mamamayan, at sa pagtaguyod ng interes ng malalaking kapitalista’t dayuhan!
Ating ipanawagan:
·
Sahod
Itaas, Presyo Ibaba!
o
Isulong
ang Salary Grade 15 (P24,887/mo) para sa mga nurse I!
o
Ipaglaban
ang salary upgrading ng mga doctor P50,000/mo!
o
Ipaglaban
ang dagdag sa minimum pay na P6000 para sa mga kawani ng gobyerno!
o
P125
dagdag na sahod sa mga manggagawa!
o
Ibaba
ang singil sa kuryente, tubig, pamasahe, at iba pang batayang produkto!
·
Ibasura
ang patakarang pribatisasyon!
·
Kontraktwalisasyon
labanan! Labor Export Policy Ibasura!
·
Expanded
Defense Cooperation Agreement (EDCA) at Trans-Pacific Partnership Agreement (TPPA),
Ibasura!
·
Singilin
ang Rehimeng US-Aquino sa pagpapahirap sa mamamayan!
Do you want to work at home? Earn money for daily living without a boss. This is the right online job for you. For online support add me on my facebook account: facebook.com/niko.neal or text me on my cellphone number: 09062266719 for more info visit our website: http://www.unemployedpinoys.com
ReplyDelete