Tuesday, August 26, 2014

Labanan ang DAP at ang Nagbabadyang Diktadurya ni Aquino!



Matapos ang isang taon nang magsama-sama ang taumbayan upang kondenahin ang pork barrel ni BS Aquino, muling nakikiisa ang sektor pangkalusugan sa mariing pagtutol sa mga pakana ng pamahalaang Aquino at hadlangan ang tunghin nito na diktadurya. 
 
Nais ni Pangulong Benigno Simeon Aquino na palawagin pa ang kanyang pamumuno sa pamamagitan ng isa pang termino, na idadaan niya sa pamamagitan ng pagbabago ng Saligang Batas o Charter change. Subali’t ang ipinagmamalaki niyang “daang matuwid” ay pawang mga kasinungalingan lamang na dapat ilantad.
Ayon kay BS Aquino …

Ang totoo…
§  Umuunlad ang ekonomiya

§  Hindi nararamdaman ng taumbayan ang anumang paglago ng ekonomiya! Tanging ang World Bank lamang ang naniniwala kay Aquino dahil patuloy na humihirap ang kabuhayan ng karaniwang mamamayan. Sa ilalim ni Aquino, lalong nagmahal ang bilihin at nagtaas ang mga bayarin, habang pinapanatiling mababa ang sahod
§  Para sa taumbayan ang Disbursement Acceleration Program (DAP)

§  Ang DAP ay para sa lamang sa interes ng mga politiko! And DAP ay isang uri ng pork barrel na pinagmumulan ng salapi na kinukurakot ng mga politiko. Ginagamit lang ang taumbayan bilang “beneficiaries” upang higit na lumaki ang kinakamkam nila
§  Malaking tulong ang public-private partnerships

§  Lalong pinalala ng public-private partnerships ang serbisyong pampubliko! Higit na naging malaking pabigat ang pagsasapribado ng mga batayang serbisyo. Maging ang mga pampublikong ospital ay naniningil na ng bayad sa mga serbisyong dapat ay libre
§  Higit na “matuwid” ang kanyang administrasyon kaysa pamunuang kanyang pinalitan

§  Walang pinagkaiba ang pamunuan ni BS Aquino at Gloria Arroyo! Patuloy ang korapsyon, patuloy ang pagmamalabis ng mga opisyal at patuloy ang militarisasyon at paglabag sa karapatang pantao. Ang pinagkaiba lamang ay ang laki ng pagnanakaw at ang tindi ng pagmamalabis
§  Nire-respeto niya ang desisyon ng Korte Suprema

§  Ginigiit pa rin ni BS Aquino na tama ang DAP at patuloy itong isiningit sa pambansang badyet para sa 2015! Nais ni Aquino na bawasan ang kapangyarihan ng Korte Suprema sa pamamagitan ng Charter change upang mawalan na ng hadlang sa kanyang mga tunguhin
§  Ayaw niya ng pangalawang termino ng pagka-pangulo

§  Nais ni BS Aquino at mga interes na nasa likod niya, lalo na ng imperyalistang Estados Unidos, na magpatuloy pa si Aquino! Nais palawigin ang termino ni Aquino dahil lalong mamayagpag ang pagkamal na kita ng mga negosyante at ang pananatili ng pwersang militar ng Amerikano sa Pilipinas sa tulong ng kanilang numero unong tuta.

Ngayon araw na ito, isinisigaw ng sambayanan na hindi nito palalagpasin ang mga kalokohan at pagmamalabis ni BS Aquino. Kailangang matigil na ang patuloy na pagpapahirap, ang tumataas na presyo ng batayang bilihin, ang kawalang ng trabaho, ang kawalang ng batayang serbisyo at ang pangkalahatang pagpapabaya ng pamahalaang kumakatawan lamang sa interes ng mga naghaharing uri.
Tahasan nang tinalikuran ni Aquino ang interes ng bayan. Kung hindi tayo kikilos, magpapatuloy ang bulok na sistemang kinakatawan ni Aquino.
Magkaisa! Tutulan at labanan ang DAP at lahat ng anyo ng pork barrel!
Lahat ng sangkot at dapat managot!
Patalsikin si Aquino!
Makibaka para sa tunay na kalayaan at demokrasya!

Health Group Joins Anti-Pork Mobilization







Health Group Joins Anti-Pork Mobilization
Calls Aquino “Kontrabida” in Stark Contrast to the Nation’s Heroes Honored Today

August 25, 2014
Health Alliance for Democracy (HEAD) today joins Filipinos from various parts of the country in demanding for the abolition of all pork barrel funds and lump sum appropriations in the big protest rally and sign-up action that will be held this morning at the Quirino Grandstand.
According to the health group, President Benigno Simeon Aquino is the quintessential “kontrabida” (villain) in stark contrast to the National Heroes who are being honored today.

“Unlike the heroes who made great sacrifices for the people, BS Aquino has only sought to promote the interests of the ruling elite, first through various pork barrel appropriations and now through Charter change,” said Dr. Geneve Rivera-Reyes, HEAD secretary-general.

 

Aquino and his cohorts are pushing for changes in the Constitution, or Charter change, to allow for extensions in their terms of office and to curtail the powers of the Supreme Court. These will pave the way for a virtual dictatorship for Aquino.

“Rather than extend his term, Aquino should be held accountable for the Disbursement Acceleration Program (DAP) and other pork barrel appropriations, as well as his anti-people policies,” Reyes added.

“The privatization of basic services, the continued militarization in the countryside, the continued presence of United States’ military forces under the Enhanced Defense Cooperation Agreement, and the outright the deprivation of wages, land, and rights – these are the crimes against the people for which Aquino should be held accountable.”

“Like all kontrabida, BS Aquino should be removed from office and be sent to jail,” Reyes declared.

The health group will continue to work with grassroots communities in exposing Aquino and vows to continue leading protests against Aquino and his dictatorial aspirations. ###    

Friday, May 9, 2014

Pambansang Araw ng mga Manggagawang Pangkalusugan (May 7)

REHIMENG US-AQUINO: Anti-MANGGAGAWANG PANGKALUSUGAN, Anti-MAMAMAYAN, SINGILIN!

             Sa Pambansang Araw ng mga Manggagawang Pangkalusugan (May 7) ating gunitain at parangalan ang mga bayani at martir ng sektor pangkalusugan at ng kilusang manggagawa.  Sumasaludo din tayo sa mga manggagawang patuloy na nakikibaka para sa kagalingan ng buong sambayanan! 

  
            Pagkatapos gumastos ang gobyerno ng Pilipinas ng limpak-limpak na salapi sa pagbisita ni US Pres. Obama dito sa Pilipinas at pumasok sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA na nagbibigay laya sa pagpasok at pagbabase ng US forces sa Pilipinas,  tahasang sinabi ni P-Noy na walang ibibigay na dagdag sahod at iba pang benepisyo para sa mga manggagawa ng gobyerno dahil walang budget.  Kasuklam-suklam ang ganitong pahayag na nagpapakita na walang puso si PNoy sa mga manggagawa, kasama na  ang manggagawang pangkalusugan.

  
            Mahigit 12 milyong Pilipino o 3 sa bawat 10 ng labor force  ay walang trabaho, kasama dito ang daan libong nars na walang mapasukan.  Sa mga may trabaho naman, hindi nakakabuhay ang sahod/sweldo at ang iba ay wala o binabawian pa ng mga benepisyo.  Bukod dito, ang mga permanenteng posisyon sa mga ospital ay  ginagawang kontraktwal. Bilang resulta, karamihan sa ating mga nars ay napipilitang pumasok bilang call center agents, magbayad bilang hospital trainees o mag-volunteer sa mga ospital kapalit ng certificates; ang iba naman umaasa sa pangingibang bansa upang makakaahon sa hirap.  Ngunit dahil din dito, maraming kaso na ang dumanas ng pangmamaltrato at nawasak ang pamilya. 

 
            Ang kawalan ng trabaho at mababang sweldo sa bansa ay sintomas ng hindi magandang ekonomiya bunga ng maling mga patakaran.  Ibinukas na ng todo ang bansa sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) -  pagbubukas sa  US forces  upang malayang makapasok-labas  sa Pilipinas, kaalinsabay dito ang pagbubukas sa ekonomiya sa pamamagitan ng Trans Pacific Partnership Agreement (TPPA).  Dahil may mga probisyon sa Konstitusyon ng Pilipinas na lalabagin ng mga kasunduang ito, pilit na itinutulak ngayon ang Charter Change. 

            Dapat singilin ang rehimeng US-Aquino sa pagbibigay prayoridad sa interes ng dayuhan at negosyo kaysa sa manggagawa at mamamayang Pilipino.  Sentro ng economic program ng rehimeng Aquino ang  Public-Private Partnership (PPP).   Agresibo itong isinusulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo  sa mga kapitalista tulad ng regulatory risk insurance guarantee, tax breaks, at garantisadong tubo, samantala lantarang pinagkakaitan ang mga manggagawa ng makakabuhay na  sahod o kita. 

            Ang pribatisasyon ng serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng PPP at corporatization, ay nangangahulugang pabubukas sa mga dayuhan at lokal na kapitalista ng serbisyong pangkalusugan at mga pampublikong ospital para gawing negosyo at magkamal ng “super tubo”. Target dito ang 72 na ospital ng gobyerno tulad ng Philippine Orthopedic Center (POC). Magbubunsod ito ng matinding pagtaas ng gastusin sa pagpapagamot ng mga pasyente at kawalan ng seguridad sa trabaho para sa manggagawang pangkalusugan.

 Ang dagdag pamasahe sa MRT/LRT na gustong ipatupad ng gobyernong Aquino  ay para  ipapasan sa mga manggagawa at ordinaryong mamamayan ang mga ipinangakong “super tubo” ng pamahalaan sa mga kontratista at investor sa MRT at LRT.  Ang pagtaas ng pasahe sa MRT at LRT ay  pagbitiw ng pamahalaan sa responsibilidad nitong magbigay ng abot-kayang  transportasyon sa mga Pilipino.

Kasuklam-suklam ang pribatisasyon sapagkat pinagkakakitaan ng gobyerno ang dapat sana ay abot-kaya o libreng serbisyong napapakinabangan ng mamamayan. Nangyari na ito sa pagsapribado ng NAPOCOR, MWSS, at iba pang institusyong pag-aari ng gobyerno.

Magkaisa! Singilin ang pamahalaang Aquino sa pag-abandona ng kanyang responsibilidad sa mga manggagawang pangkalusugan  at buong mamamayan, at sa pagtaguyod ng interes ng malalaking kapitalista’t dayuhan!

Ating ipanawagan:
·         Sahod Itaas, Presyo Ibaba!
o    Isulong ang Salary Grade 15 (P24,887/mo) para sa mga nurse I!
o    Ipaglaban ang salary upgrading ng mga doctor P50,000/mo!
o    Ipaglaban ang dagdag sa minimum pay na P6000 para sa mga kawani ng gobyerno!
o    P125 dagdag na sahod sa mga manggagawa!
o    Ibaba ang singil sa kuryente, tubig, pamasahe, at iba pang batayang produkto!
·         Ibasura ang patakarang pribatisasyon!
·         Kontraktwalisasyon labanan! Labor Export Policy Ibasura! 
·         Expanded Defense Cooperation Agreement (EDCA) at Trans-Pacific Partnership Agreement (TPPA), Ibasura!
·         Singilin ang Rehimeng US-Aquino sa pagpapahirap sa mamamayan!
·         Imperyalismo Ibagsak!


 Mayo 7, 2014